MENU

BAI Advisory No. 2022-003||Public Advisory on Monkeypox

June 8, 2022

Kaugnay sa mga kamakailang napapabalitang kaso ng Monkeypox na nakakaapekto sa tao na nai-ulat sa United States, Canada, at United Kingdom; ipinababatid ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko na walang naitatalang kaso ng Monkeypox sa mga hayop sa Pilipinas.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng BAI sa Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) upang siguruhing ligtas ang publiko at ang mga alagang hayop sa nakakahawang sakit na ito. Pinag-iigting din ng BAI ang mahigpit na pagbabantay sa ating international airports at seaports upang siguruhin na lahat ng hayop na nakakapasok ay may kumpletong papeles at ligtas sa sakit na nakakahawa sa tao, katulad ng Monkeypox. Patuloy din ang pagsubaybay sa sitwasyong ito sa ating bansa, kasama ang mga DA-Regional Offices at inyong lokal na pamahalaan.

Agarang ipagbigay alam ang hindi pangkaraniwang pagkamatay o pagkakasakit ng inyong mga alagang hayop sa pinakamalapit na tanggapan ng agrikultura sa inyong mga lugar o tumawag sa Animal Health and Welfare Division (AHWD) hotline: 0995132933 (Globe) o 09208543119 (Smart).

Read 626 times