MENU

BAI Advisory No. 2022-001 || Paglilinaw tungkol sa mga naka-quarantine na imported rabbits

Written by
Rate this item
(0 votes)

BAI Advisory No. 2022-001 || Paglilinaw tungkol sa mga naka-quarantine na imported rabbits

January 11, 2022

Sa pakikipagpulong ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga rabbit farmer/producers, nilinaw ni OIC-Director Reildrin Morales na nanatiling ligtas ang ating rabbits sa sakit na Rabbit Hemorrhagic Disease (RHD) at walang outbreak na naitala sa mga oras na ito. Ang isyu sa mga napapabalitang mga rabbits na in-import mula ibang bansa na nagkaroon ng "reactions" gamit ang ELISA screening test ay hindi nangangahulugan na may sakit ang mga nasabing rabbit, lalo pa at sa kasalukuyan, ang mga ito ay nananatiling malusog sa quarantine site.

Ang pag interpret sa resulta kaakibat ng pag gamit ng ELISA ay nangangailangan pa ng karagdagang impormasyon mula sa bansang pinanggalingan nito. Nakipag-ugnayan na ang BAI sa mga kinauukulan tungkol sa bagay na ito. Para sa mga nag-aalaga ng mga rabbits, ipagpatuloy natin ang pagpapatupad ng tamang biosecurity protocols sa inyong farm o bakuran upang maiwasan silang madapuan ng anumang sakit.

Agarang ipagbigay alam ang hindi pangkaraniwang pagkamatay o pagkakasakit ng inyong mga rabbits sa inyong pinakamalapit na tanggapan ng agrikultura (DA-Regional Offices) sa inyong mga lugar o tumawag sa BAI Animal Health and Welfare Division (AHWD) hotline: 09951329339 (Globe) o 09208543119 (Smart). ##

 

BAI AdvisoryNo2022 001 01112022 01 BAI AdvisoryNo2022 001 01112022 02 

ADDRL CENTRAD 01192022 03 ADDRL CENTRAD 01192022 04

Read 269 times