MENU

BAI, NLP, namahagi ng tulong sa mga LGUs para sa chillers

Written by
Rate this item
(0 votes)

BAI, NLP, namahagi ng tulong sa mga LGUs para sa chillers

January 18, 2022

Kaugnay ng Kadiwa Cold Chain Project, nagbahagi ang Bureau of Animal Industry (BAI) at National Livestock Program (NLP) ng cheque na pambili ng chillers at freezers sa local government units (LGUs) ng Cabanatuan City, Nueva Ecija noong ika-14 ng Enero, 2022.

Nakipag-ugnayan ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng NLP, BAI, National Meat Inspection Services at Agribusiness and Marketing Assistance Service sa iba’t-ibang LGUs upang magbahagi ng chillers sa pampublikong pamilihan at iba pang retail outlets. Sa pamamagitan nito, makasisiguro ang mga mamamayan na ang mga karneng kanilang bibilhin ay ligtas, malinis at abot kaya.

Kabilang sa dumalo sa turnover ay sina DA Undersecretary for Livestock Dr. William C.  Medrano, BAI-OIC Director Dr. Reildrin Morales, Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth Vergara at Cabanatuan City Veterinarian Dr. Lorna Rivera. ### 

 

NLP 01182022 01  NLP 01182022 02

Read 508 times