Print this page

Wall-mounted disinfection system, itinayo pasa sa ASF safety measures

Written by
Rate this item
(0 votes)

Wall-mounted disinfection system, itinayo pasa sa ASF safety measures

January 23, 2022

Nag-turnover ang Department of Agriculture-Region II (DA-RFO 2) sa Bureau of Animal Industry (BAI) ng wall-mounted disinfection system sa checkpoint ng Sitio Consuelo, Brgy. Baliling noong ika-21 ng Enero, 2022.  Ang disinfection system ay gagamitin upang mas mapaigting ang safety measures laban sa African Swine Fever (ASF).

Nagpahayag din si Sta. Fe Mayor Tidong Benito ng kaniyang suporta upang tuluyan nang mapuksa ang ASF. Agaran nilang hinigpitan ang mga checkpoint simula noong makapasok ang ASF sa Region 2.

Nangako naman si Nueva Vizcaya Provincial Veterinarian Dr. Christopher Seraspi na magde-deploy sila ng mga personnel upang tulungang tumao ang mga DA at BAI employees sa checkpoint. ###

 

W Mount 01232022 01

Read 410 times