MENU

Rabies kick-off, matagumpag na naisagawa

Written by
Rate this item
(0 votes)

Rabies kick-off, matagumpag na naisagawa

March 2, 2022

Pormal na ipinagdiwang ang Rabies Awareness Kick-Off Ceremony noong ika-1 ng Marso 2022 sa Tiendesitas, Pasig City sa pangunguna ng National Rabies Prevention and Control Committee (NRPCC) at ng Philippine Veterinary Medical Association (PVMA), sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Pasig.

Ibinahagi ni Bureau of Animal Industry (BAI) OIC-Director at NPRCC Chairperson Dr. Reildrin G. Morales na ang National Rabies and Control Program ng Pilipinas ay ang pinaka-unang programa ng rabies sa Asya sa nagkamit ng pagkakakilanlan mula sa World Organization for Animal Health (OIE).

“Marami pong bansa ang may rabies control program pero ang nire-recognize lamang ng OIE ay iyong programa na maaring magdala sa bansa na ‘yon upang maging rabies-free. Ang rabies program natin na-recognize globally. Kung pagtutulung-tulungan po natin na ang programang ito ay mas mai-angat pa at mas mai-tulak pa, matatamo natin ang minimithi nating rabies-free Philippines.”

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagsagawa rin ng libreng anti-Rabies vaccination, pet consultation at deworming sa mga aso at pusa.

Layunin Rabies Awareness Month na madagdagan ang kamalayan ng publiko sa panganib na dulot ng rabies at kung papaano ito tuluyang mapupuksa. Bukod dito, hinihikayat din ang mga mamayang Pilipino na maging responsableng pet owners sa pamamagitan ng pagbabakuna ng kanilang mga alaga laban sa rabies.

Kabilang sa mga dumalo sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Department of Health (DOH) Technical Integration Disease Prevention and Control Bureau Director Dr. Cherylle Gavino, PVMA President Dr. Bernard Baysic, Pasic City Veterinarian Dr. Emma Mejia-Sanchez at Vice President and Head of Ortigas Malls, Architect Renee Bacani.

Ang Rabies Awareness Month ay ipinagdiriwang sa bansa tuwing buwan ng Marso sa bisa ng Executive Order No. 84, series of 1999. ###

 

Rabies 03022022 01 Rabies 03022022 02 Rabies 03022022 03 Rabies 03022022 04 Rabies 03022022 05 Rabies 03022022 06 Rabies 03022022 07

Read 273 times