MENU

BABay ASF Program at Bulacan Repopulation Project

Written by
Rate this item
(0 votes)

BABay ASF at Repop Project, inilunsad sa Bulacan

March 16, 2022

Inilunsad ang Bantay ASF sa Barangay Program o BABay ASF Program at Bulacan Repopulation Project ngayon, ika-16 ng Marso 2022 sa Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni BAI-OIC Director Dr. Reildrin Morales ang kahalagahan ng pagpapatupad ng biosecurity kaugnay sa BABay ASF Program. Nagparating din siya ng pasasalamat sa mga sumusuporta sa BAI laban sa ASF.

“Bago magka-ASF, 12.70 million heads ng baboy ang nasa bansa. Kalahati noon ay nasa Luzon at itinatayang aabot sa 30% nito ay nasa Bulacan. Ang industriya ng pagbababuyan sa bansa ay nagkakahalagang 250 bilyon pesos, at maaaring umabot ng higit sa 500 bilyon kung isasama ang mga tinatawag na “allied industries”. Kaya nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga kasamahan natin sa publiko at pribadong sektor, sa LGUs, Philippine Veterinary Drug Association Incorporated (PVDA), Philippine Veterinary Medical Association (PVMA) at Philippine College of Swine Practitioners (PCSP), sa patuloy na pakikipagtulungan sa BAI para mai-angat muli ang hog industry dito sa Bulacan.”

Ang BABAy ASF Program ay programa ng DA-BAI na naglalayong paigtingin ang laban sa ASF sa barangay level. Ang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE naman ay programa ng DA National Livestock Program (NLP) na naglalayon ng calibrated repopulation sa mga lugar na nasalanta ng ASF.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Sta. Maria Bulacan Vice Mayor Ricky Buenaventura, Provincial Veterinarian Dr. Voltaire Basinag, Municipal Agriculturist Dr. Arnel Garcia, mga opisyal ng PVDA, PVMA, National Federation of Hog Farmers, Inc. (NATFED) at private stakeholders. ###

 

 BABay ASF 02  

BABay ASF 03  

BABay ASF 01

Read 895 times